Close

Pilipinas, humakot ng parangal sa Marie Claire Star Awards 2018

Sponsor ads


Usap usapan ngayon sa mundo ng showbiz ang pangalan ni Piolo Pascual dahil sa pagkapanalo niya sa naganap na Marie Claire Star Awards 2018 sa Busan sa South Korea.

Proud na proud naman ang mga fans ni Piolo dahil nadagdagan na naman ang mga awards nito na patunay sa husay nitong bilang isang aktor.

Dumagsa din ang congratulatory messages mula sa mga kapwa artista ni Piolo dahil sa pagiging inspirasyon anila ng aktor para sa lahat ng mga nasa industriya na hindi humihinto sa pagpapahusay sa kanilang obra.

Nagpaabot din pagbati ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa kanyang panalo.

Samantala, sa kaparehong timapalak ay nanalo din ang Pilipinas ng Achievement Award para sa Philippine Cinema na nirepresenta nina FDCP Chairperson at CEO, Liza Diño kasama sina Brillante Mendoza, Joel Torre, at Christopher De Leon.