Close

Piipinas, hindi dapat pumili sa pagitan ng US at China - VP Robredo

Sponsor ads


Iginiit ni Vice President Leni Robredo na hindi dapat pumili ang Pilipinas sa pagitan ng US at China.

Sinabi ng Pangalawang Pangulo na meron benepisyong nakukuha ang Pilipinas sa pakikipagkaibigan nito sa parehong bansa.

Ayon kay Robredo, nauunawaan niya ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling pag-ibayuhin ang pakikisama ng bansa sa China.

Pero nilinaw ni Robredo na ang hindi katanggap-tanggap ngayon ay ang kawalan umano ng administrasyon ng kakayahan na paghiwalayin ang pagkakaibigan mula sa pagprotekta sa ating soberenya.

Sa isang panayam naman ay sumangayon si Robredo sa tanong kung binebenta na ng Pilipinas ang sarili nito sa China.

Kinwestyon ng Pangalawang Pangulo kung ano na nga ba ang sitwasyon ng ating claims sa West Philippine Sea matapos okupahan ng China ang marami sa ating mga teritoryo.

Inaabangan naman ng Bise Presidente kung ano ang mangyayari sa pagpupulong nina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping.

Kung maalala ay sinabi ng Pangulo na dumating na ang tamang panahon para igiit ang panalo ng Pilipinas sa International Court of Arbitration.