Close

Pichay, walang balak tumalima sa suspension order

Sponsor ads


Walang balak si House Deputy Speaker Prospero Pichay na basta na lamang tumalima sa utos ng Sandiganbayan na suspendihin siya kaugnay ng kinakaharap na kasong katiwalian na nag-ugat noong siya pa ang chairman ng Local Water Utilities Administration.

Ayon kay Pichay, sinabi lang ng Fourth Division na mandatory ang preventive suspension ng incumbent government officials na may nakabinbing kaso.

Sa pagkakaintindi umano niya ay hindi pa final at executory ang preventive suspension.

Dahil dito, inatasan na ng kongresista ang kanyang mga abogado na gawin ang lahat ng legal remedies para iapela ang anti-graft court order at para sa huli ay mapawalang-sala siya.

Mababatid na siyamnapung araw na suspensyon ang ipinataw ng Sandiganbayan laban kay Pichay na maaari lamang ipatupad ng liderato ng Kamara.

Nag-ugat ang kasong graft sa pagbili umano ng LWUA (LU-WA) sa naluging thrift bank na pagmamay-ari ng pamilya ni Senador Win Gatchalian.