Close

Pia Wurtzbach, Dua Lipa, at iba pang celebrities sa Asya, magsasama sa Indonesia

Sponsor ads


Magiging bahagi si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa upcoming "Super Party" show ng isang online shopping platform sa Indonesia.

Nakatakdang pangunahan ni Wurtzbach ang event kasama ang international singer na si Dua Lipa.

Si Dua Lipa ang nasa likod ng mga sikat na kantang "IDGAF" at "One Kiss"

Live naman matutunghayan ang event sa anim na bansa sa pamamagitan ng Lazada app.

Gaganapin ito sa Indoensia Convention Exhibition sa Jakarta, sa March 26, alas-otso ng gabi (Manila time).

Inaasahan na pupunta din ng "Super Party" ang local celebrities na sina Nadine Lustre at Sam Concepcion, at ang ilan pang mga personalidad mula sa iba't-ibang bansa sa Southeast Asia.