Close

Pia, nagsuot ng gown na may 2,880 crystals

Sponsor ads


Ipinagmalaki ng dating Miss Universe Pia Wurtzbach ang pagsuot nito sa gown na likha ni Albert Andrada nang siya ay rumampa sa New York Fashion Week.

Ipinakita ni Pia sa kanyang Instagram followers ang mga litrato ng kanyang puting gown na isinuot niya noong September 7, 2019.

Sinabi ni Andrada na may nakakabit na 2,880 Swarovski crystals sa gown na gawa sa white tulle.

Si Pia ang naging star sa finale ng palabas ni Albert sa pangalawang araw ng two-day event na ginanap sa National Geographic Encounter Odyssey sa New York City.

Nagpasalamat naman si Andrada sa pagrampa ni Pia sa finale ng kanyang show.

Sinabi ni Andrada sa kanyang post: "You are truly are a woman who is confidently beautiful w/a heart..."