Close

Philippine delegation sa 31st SEA Games, target ang podium finish

Sponsor ads


Binigyang diin ng chef de mission ng Philippine delegation sa 31st Southeast Asian Games na target nila ang podium finish sa Hanoi ngayong taon.

Sinabi ni Ramon Fernandez ng Philippine Sports Commission na kung hindi man makuha ng Pilipinas ang overall title, ay susubukan nila na makapagtapos sa top three.

Inihayag ng dating basketball superstar na alam nila ang formula para maging matagumpay ang kampanya ng bansa sa nasabing sporting event at kapareho ito sa ginamit noong 2019 kung saan ay naging overall champion ang Pilipinas.

Ipinunto ni Fernandez na susi sa tagumpay ang dami ng oras na iginugugol ng mga atleta sa pag-eensayo at ang pakikipagkompetisyon ng mga ito laban sa mga pinakamagagaling sa mundo.

Umaasa naman si Fernandez na walang magbabago sa budget at suporta sa training na ipagkakaloob ng gobyerno sa mga atleta.

Mababatid na inaasahang gagawin ang SEA Games mula November 21 hanggang December 2 sa Vietnam.