Close

Philippine contigent, sasabak na sa 9th ASEAN School Games

Nagtungo sa Singapore ang 224 miyembro ng Philippine contigent para mag-compete sa 9th Association of Southeast Asian Nations School Games na gaganapin mula ngayong araw hanggang sa July 31.

Pinangunahan nina Chef-De-Mission Rizalito Jose Rosales ang Philippine contigent kasama sina Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Tonisito Umali, at Philippine Sports Commissioner Charles Raymond Maxey.

Kabilang sa Philippine team ang 159 Palaro and Batang Pinoy medalist at 23 coaches na naglalayong maiuwi ang top honors sa iba't-ibang larangan ng sports sa atyhletics, lawn tennis, table tennis, swimming, badminton, sepak takraw, rhythmic gymnastics at artistic gymnastics.

Sina Maurice Sacho Ilustre at Jerald Jacinto at tracksters Francis Obiena at Jie Anne Calis ang mga potential medalist ng Philippine team sa naturang competition.

Makakatanggap ng P5,000 incentive ang gold medalists sa ASEAN School Games habang ang gold medalists naman sa team events ay isa-isang pagkakalooban ng P5,000.

Nauna nang sumabak sa 10-day training ang mga atleta sa Metro Manila partikular na sa PhilSports Complex sa Pasig City bago lumipad patungong Singapore.

Kumpyansa naman si Umali na masungkit ng team ang second o third place sa overall ASEAN School Games. | Jasmine Cruz