Close

Ph nakasungkit na ng higit 30 gold medals sa SEA Games

Sponsor ads


Nasa 38 na ang kabuuang gold medals na nasungit ng mga pambato ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games.

Nito lamang Lunes ng gabi, 13 ang nadagdag na gintong medalya mg bansa.

Samantala, nasa 20 naman ang kabuuang silver medals at 10 naman ang bronze medals.

Ilan sa nakasungkit ng gintong medalya kahapon ay sina Hidilyn Diaz ng weightlifting, Carloyd Tejasa sa welterweight at stick arnis division, Ross Ashley Monville para sa Women’s Padded Stick Lightweight at arnis, Gilas Pilipinas Women's Team ng basketbal at women's 3x3 , Mens polo team at marami pang iba.

Kasama naman sa nakakuha ng silver medal ay ang:
-Men’s Lawn Bowls Team (Lawn Bowls, Men’s Triples)
– Billy Joel Valenzuela (Arnis, Men’s Padded Stick Lightweight)
– Celedonio Tayao (Shooting, Men’s Benchrest Air Rifle Light Varmint)
– Eleazar Barba Jr., (Men’s Mountain Bike Downhill)
– Jones Inso (Wushu Men’s Taijijian)
– Men’s Waterpolo team

At para naman sa Bronze:
– Women’s Lawn Bowls Team (Lawn Bowls, Women’s Spares)
Dahil dito, nahigitan na ng Pilipinas ang 2017 Southeast Asian Games medal count nito.