Close

Pfizer, tapos na ang COVID-19 trial; 95% effective

Sponsor ads


Ibinahagi ng Pfizer na nakompleto na nila ang pag-aaral para sa experimental COVID-19 vaccine, kung saan nagpakita ito ng 95 percent effectivity.

Ayon sa mga ito, ang two-dose vaccine ay hindi nagpakita ng seryosong safety concerns.

Dahil dito, mag-aapply na ang naturang kompaniya ng pahintulot para sa emergency use mula sa US regulators sa loob ng ilang araw.

Ayon kay Pfizer CEO Albert Bourla ang resulta ng pag-aaral ay marka ng mahalagang hakbang sa historic eight-month journey para magbigay ng bakuna na makakatulong na matapos na ang pandemic.

Una nang sinabi ng Pfizer na sa kanilang preliminary analysis, nagpakita ng kanilang produkto ng 90 percent effectivity.