Close

Petmalu to: Breakfast-cooking machine mula sa Lego bricks

Sponsor ads


Ipinamalas ng isang YouTuber ang kanyang talento sa pamamagitan ng pag-gamit ng Lego bricks para makabuo ng kakaibang inventions.

Ito ay ang breakfast-cooking machine.

Kaugnay nito, ipinakita ni Iouri Petoukhov, ang Brick Wall sa YouTube, kung saan ipinapakita ang breakfast-making machine na kanyang ginawa para sa kanyang tatay.

Ayon kay Petoukhov, machine na nagluluto ng bacon at itlog ay gawa mula sa Lego pieces.

"My father cooks breakfast every Saturday and Sunday -- it is 104 times a year! He deserved this present," saad ni Petoukhov.