Close

Petition ni ex-CHR Chair vs martial law, isasama sa SC oral arguments

Sponsor ads


Inanunsyo ng Supreme Court Public Information Office na isasama nito ang ikatlong petition kontra sa martial law sa oral arguments na nakatakdang maganap sa January 16 hanggang 17.

Isasabay na ang petition ni dating Commission on Human Rights chair Loretta Ann Rosales sa petition ng minorya sa Kongreso.

Ayon sa kay Rosales, walang factual basis ang pagpapalawig ng batas militar ng 1 taon sa Mindanao at pagsuspindi ng writ of habeas corpus.

Paliwanag ni Rosales, naideklara na kasi ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na ang Marawi City mula sa kamay ng teroristang Maute group.

Samantala, inaasahan naman na ipapasa ni Solicitor General Jose Calida ang kanyang komento kaugnay sa reklamo ng mga petitioners ngayong araw bago mag-alas singko ng hapon.

Matatandaan na ang pagsalakay ng Maute sa Marawi ang orihinal na dahilan kung bakit idineklara ni Duterte ang 60-days martial law sa Mindanao.