Close

Peter Lim, kinasuhan ng drug trade conspiracy

Sponsor ads


Nakitaan ng Department of Justice (DOJ) ng probable cause para kasuhan ng criminal charges ang negsoyanteng si Peter Lim dahil sa umano'y pakikipagsabwatan nito sa illegal drug trading kay self-confessed drug lord Kerwin Espinosa at iba pa.

Ang indictment kay Lim, na hiwalay na inimbestigahan bunsod ng kanyang hiling ay kasunod ng pagsasampa ng kaso laban kay Espinosa, convicted drug lord Peter Co, Marcelo Adorco, Ruel Malindangan, at Lovely Impal.

Ayon sa DOJ prosecutors, may sapat na basehan ang pag-amin ni Espinosa sa Senado at positibong pagtukoy ni Adorco kay Lim bilang drug suppliers.

Kaugnay ito, nadiskubre rin ng state prosecutors na ang depensa ni Lim na hindi siya ang "alias Jaguar" na tinutukoy na "immaterial" na ibinigay na pagkakakilanlan nina Espinosa at Adorco.