Close

Permit to operate, iginawad ng Pangulo sa Mislatel

Sponsor ads


Inaward ni Pangulong Rodrigo Duterte ang license to operate sa Mislatel consortium na ikatlong major telecommunications player sa Pilipinas.

Binigay ng Pangulo sa Mislatel ang Certificate of Public Convenience and Necessity sa isang seremonya sa Malacañang.

Sinabi ng Pangulo na dapat ay tanggapin ng bansa ang Mislatel bilang breath of fresh air sa pagkamit ng sustainable progress para sa mga Pilipino.

Ang Mislatel consortium na pinangungunahan ng Davao businessman na si Dennis Uy ay kinabibilangan ng Mindanao Islamic Telephone Co. (Mislatel), Udenna Corp., Chelsea Logistics and Infrastructure Holdings Corp., at China Telecom Corp. Ltd.