Close

Permit revocation sa walang CCTV, inirekomenda

KORONADAL CITY - Inirekominda ni South Cotabato Provincial Police Director Senior Supt. Franklin Alvero ang pagbawi ng permit ng mga establisemento komersyal na walang CCTV camera.

Suhestiyon rin ni Alvero na susugan ang ordinansa ng mga local government unit sa pagbigay ng business permit kung saan maging isa sa mga dapat basehan ng hindi pagbigay ng business permit ang hindi pagbigay ng CCTV sa mga commercial establishments.

Kailangan rin na may magbabantay sa monitoring ng CCTV upang makita ang kilos ng mga tao at mapigilan ang posible krimen na mangyayari.

Maliban dito, hiling rin ni Alvero sa mga may-ari ng mga establisemento na kumuha ng guwardiya at iwasan ang pag-iwan dito ng pera sa halip ilagay ito sa mas ligtas na lugar. (Luz Cartagena-Balancio)