Close

Periodontal pathogen, maaring magdulot ng delay pregnancy - study

Nadiskubre ng mga mananaliksik ng University of Helsinki na ang common periodontal pathogen ay maari umanong magdulot ng delay sa pagbubuntis para sa mga batang kababaehan.

Ang naturang pag-aaral, ay ipinublisa noong June 12 sa Journal of Oral Microbiology, kung saan kabilang sa mga dumaan sa pagsusuri ang 256 healthy, non-pregnant women na may-edad na 19 hanggang 42-anyos mula sa Southern Finland.

Binigyan ang mga partisipante ng clinical oral at gynecological exams, kasama ang testing ng major periodontal pathogens sa laway maging ang analysis sa serum at saliva antibodies.

Gumamit naman ng vaginal swabs para ma-detect ang bacterial vaginosis sa baseline at sinunod ng mga ito ang 12 months period para madetermina kung mabubuntis ba ang mga ito sa panahong ginawa ang eksperemento.

Matapos ang eksperimento, lumalabas na mataas ang lebel ng porphyromonas gingivalis, isang bacterium na associated sa periodontal diseases at hindi rin nabuntis ang mga babae.

"Our results encourage young women of fertile age to take care of their oral health and attend periodontal evaluations regularly," saad ni Susanna Paju, periodontist at researcher sa University of Helsinki.