Close

Peace talks na magtatapos sa gyera sa Yemen, sinimulan na

Sponsor ads


Umarangkada na sa Sweden ang makasaysayang peace talks na naglalayong wakasan ang apat na taong civil war sa Yemen.

Ayon sa United Nations, isa itong mahalagang milestone para sa nasabing bansa.

Nilagdaan na umano ang isang prisoner swap deal na magbibigay daan sa muling pagkakasama-sama ng mga pamilya roon.

Sinabi ni UN special envoy Martin Griffith na nagtatrabaho na ang kanyang team kasama ang delegasyon mula sa Yemeni government at Houthi rebels para isagawa ang informal talks na magtatagal ng isang linggo.

Mababatid na ang war sa Yemen ay nagbunga ng world's worst humanitarian crisis ngayon.

Libu-libo ang nasawi sa bakbakan at milyong-milyon ang nagutom.

Ibabalik ang consultations sa unang pagkakataon simula noong 2016, ang tangkang makipagnegosasyon para sa kapayapaan pero nagcollapse rin ito pagdating ng September nang di sumipot ang Houthis sa talks sa Geneva.