Close

Peace talks, uusad sa pagbalik ni Joma Sison - Gov. Fuentes

Sponsor ads


GENERAL SANTOS CITY - Dapat lamang umano na umuwi sa Pilipinas si CPP founding Chair Joma Sison para dumalo sa peace talks at makita na rin ang kaniyang mga kasamahan.

Ito ang naging pananaw ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes sa panayam ng Brigada News FM GenSan kasabay sa itinakdang resumption ng peace talks sa darating na buwan o sa Hulyo.

Subalit nilinaw din nito na maari lamang makabalik sa bansa si Joma Sison kung babawiin ng US ang terrorist tag sa grupong NPA.

Habang giit din ni Fuentes na kung matutuloy ang peace talks at magpapatupad ng ceasefire, kailangang itigil din ang recruitment, extortion ng mga rebelde at expansion ng kanilang grupo.

Habang naniniwala naman ang gobernador sa hangarin ni Pangulong Duterte sa pagpapatuloy ng peace talks para makamit ang katahimikan sa bansa. Joseph Reyes