Close

Paulo Avelino, nagpasalamat sa mga papuri ni Lea Salonga

Sponsor ads


Ikinatuwa ng aktor na si Paulo Avelino ang papuri sa kanya ng batikang broadway artist na si Lea Salonga.

Sa post ni Lea ay sinabi nito: "If you’re a fan of #PauloAvelino, I urge you to watch his stellar performance in #AngLarawan. He doesn’t sing as well as the others, but his acting! He will be one of the greatest as he continues to grow!!! Congrats!!!"

Ayon kay Avelino, ang paghanga ni Lea sa kaniyang performance ay nagpaangat sa confidence at tiwala niya sa sariling abilidad bilang aktor.

Sinabi rin ni Avelino na nakakataba ng puso ang mga papuri ng isang artist na kilala sa buong mundo at hindi naman ikinasama ng kanyang loob ang sinabi ni Lea na hindi siya kasing galing ng iba sa pagkanta.

Aniya, tinanggap niya ang papel na ginampanan niya sa pelikula dahil gusto niya makasubok ng ibang role.

Samantala, inamin naman ng aktor na masakit para sa kaniya na tinanggal kaagad sa ilang sinehan ang kanyang pelikula dahil sa mababang ticket sales.