Close

Patricia Javier, wagi bilang Noble Queen of the Universe 2019

Sponsor ads


Pinasalamatan ni Patricia Javier ang lahat ng kanyang pamilya, followers, at kaibigan matapos niyang makoronahan bilang Noble Queen Universe 2019.

Ibinahagi ni Patricia sa Instagram ang kanyang mga litrato na kinuhanan mula sa coronation night ng pageant na ginanap sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Sa caption ng post ay sinabi niya na nagpapasalamat siya sa lahat ng suporta at dasal na kanyang natanggap.

Nilahukan ng 21 kandidata mula sa iba't-ibang panig ng mundo ang Noble Queen Universe.

Bukod kay Javier ay wagi rin ang pambato ng West Coast USA na si Jill Chapman bilang Miss Noble Queen Earth; habang napunta naman ang titolong Miss Noble Queen Tourism kay Anna Robtsun ng Russia.

Hinirang naman ang Australian representative na si Beau Villanueva bilang Noble Queen Globe habang ang Miss Noble International ay napunta kay Maria France Imelda Papin Carrion.

Naging first runner-up naman sa kumpetisyon si Ritchell Catt ng Guam at 2nd runner-up naman si Sylvia Kim ng Korea.