Close

Patay sa tigdas, pumalo na sa 70 - DOH

Sponsor ads


Inanunsyo ng Department of Health na lumobo na sa 70 ang bilang ng mga pasyente na tinamaan ng tigdas ang nasasawi kung saan karamihan nito ay nanggaling sa CALABARZON.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na sumampa na sa 4,302 na kaso ng tigdas ang naitatala ng DOH Epidemiology Bureau mula January 1 hanggang February 9.

Makikita din sa datos ng bureau na mula sa bilang ng mga nasawi, 79% nito ang hindi nabakunahan, at ang mayorya ng mga nasawi ay nasa 1-buwan hanggang 31-taong gulang ang edad.

Ayon kay Duque, 122% increase ito kung iku-kumpara sa naitalang datos sa parehong panahon noong nakaraang taon na meron 1,935 na kaso ng tigdas, kabilang na ang 18 tao na nasawi dahil sa nakakahawang sakit.

Iginiit naman ng kalihim na ang pangunahing rason kung bakit meron measles outbreak ngayon ay dahil sa takot ng mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak sa gitna ng kontrobersya sa Dengvaxia.

Samantala, umapela naman si Duque sa publiko na gamitin ang libreng vaccination sa public health centers dahil napatunayan nang epektibo ang mga ito.