Close

Patay sa China dahil sa bagyong Lekima, pumalo sa 45

Sponsor ads


Pumalo na sa 45 ang namatay habang 16 na iba pa ang nawawala sa eastern China matapos ang idinulot na pagbaha at landslides ng bagyong Lekima.

Karamihan sa mga nasawi ay naitala sa isang village sa probinsya ng Zhejiang.

Napaulat na hinarangan ng landslide ang ilog doon, na dahilan upang maipon ang tubig na sumira sa earthen dam.

Hindi na nagkaroon ng tyansa na lumikas ang mga tao doon bago ang pagragasa ng tubig dahil sinabi ng mga opisyal na tumaas ito kaagad sa 10 metro sa loob lamang ng 10 minuto.

Mababatid na milyong-milyong tao sa eastern China ang lumikas bago pa man ang pagtama ng bagyo kabilang na ang 250,000 residente sa Shanghai, at ang 1.26-milion na iba pa mula sa Zhejiang.

Samantala, dahil sa malalakas na hangin ng bagyo ay tinatayang nasa 2.7-million na bahay naman ang nawalan ng kuryente.