Close

Patay na nabuhay??

Sponsor ads


Isang patay na babae ang nagising habang nakahiga na ito sa morgue.

Sinasabing nasawi ang babae dahil sa isang car crash sa Johannesburg, South Africa.

Tumagging magkomento ang pamilya ng biktima ngunit humingi ang mga ito ng kasagutan kung ano ang tunay na nangyari sa kanilang kaanak.

Binigyang diin ng Ambulance company Distress Alert na wala na talaga silang nakitang buhay sa biktima at wala ring kasalanan rito ang kanilang paramedics.

Wala naman kasi aniyang makapagpapatunay na may pagkakamali o kapabayaan ang mga ito.

Sa katunayan ay hindi ito ang unang pagkakataon na may nagising na patay.

Sa Poland, isang 91 anyos na babae ang nagising mula sa morgue fridge matapos ideklarang patay.

Nangyari rin ang parehong insidente sa isang 24 year old na Kenyan, 61 year old na babae sa Delaware at 30 taong gulang na lalaki sa Australia.

Isang 78 anyos na lalaki naman mula sa Mississippi ang papunta na sana sa funeral home at nakasilid na sa body bag nang madiskubreng buhay.

Ilang theorya naman ang sinasabing sagot sa naturang hiwaga, isa na dito ang catalepsy, Lazarus phenomenon at biofeedback.