Close

Parks: ayaw nila ako sa MPBL

Sponsor ads


Ayaw nila sa akin dito.

Ito ang pahayag ni Ray Parks bilang reaksyon sa mga tawag ng referee sa kanya sa laban ng kanyang koponan na Mandaluyong El Tigre laban sa Muntinlupa Cagers kagabi sa pag-arangkada ng Maharlika Pilipinas Basketball League Datu cup sa Aranera Coliseum.

Napag-alamang umabot sa 29 points at 10 rebounds ang naitala ni Parks pero dahil sa foul trouble ay wala pang 29 minutes itong naglaro.

Sinabi ni Parks sa interview na para sa kanya, ipinaramdam lang na hindi siya gusto na naglalaro sa MPBL.

Binigyang diin ni Parks na dumalo siya sa orientation kaya alam niya ang mga rules pero nagtataka siya kung bakit naka-4 siyang offensive fouls.

Tiniyak naman ni Parks na hindi siya matitinag dahil nasa MPBL na siya.

Natalo ang Mandaluyong sa Muntinlupa sa score na 86--74.