Close

Parinigan nina Gretchen at Marjorie sa IG, benta sa mga fans

Sponsor ads


Tuloy pa rin ang bangayan ng magkapatid na sina Gretchen ar Marjorie Barretto kaugnay pa rin ng kontrobersyang kinasasangkutan nina Julia Barretto at Bea Alonzo.

Sa Instagram, inilagay ni Marjorie ang katagang ‘Ghost Writer’ bilang deskripsyon ng kaniyang profile.

Magugunitang inakusahan ni Gretchen sa isang comment noong nakaraang linggo na mayroong "ghost writer" ang kanyang pamangkin na si Julia sa naging pahayag nito matapos madawit sa paghihiwalay nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Kahapon, araw ng Linggo, bumanat naman si Gretchen at inilagay sa kanyang bio ng ‘Ghost Buster’ na may kasama pang ghost at zombie emojis.

Aliw na aliw naman ang mga netizens na sumusubaybay sa bangayan dahil tila wala umanong nagpapatinag sa dalawa.