Close

Panukalang bubuo sa PHL High School for Sports, inihain sa Senado

Sponsor ads


Inihain sa Senado ang panukalang lilikha sa Philippine High School for Sports (PHSS) para tulungan ang bansa na magkaroon ng mas malawak na pool ng mga atleta para sa mga national teams.

Sinabi sa Senate Bill 330 ni Senator Juan Edgardo Angara na tututukan ng panukala ang mga batang atleta, habang binibigyan sila ng dekalidad na secondary education.

Naniniwala ang senador na dapat ay masimulan sa pagkabata ang pagsasanay para sa sports at dapat ay meron itong sapat na pondo.

Ipinunto ni Angara na hindi magkakaroon ng gold medalists ang bansa sa Olympics o mga Pinoy na atleta sa premyadong mga liga tulad ng NBA at MLB kung hindi se-se-seryosohin ang training ng mga atleta.

Iginiit ni Angara na bibigyan ng PHSS ang mga student-athletes ng kaparehong kalidad ng edukasyon na nakukuha sa mga regular high schools, ngunit magkakaroon ng special emphasis sa pag-develop ng kanilang mga kakayahan bilang atleta sa pamamagitan ng mga subjects na may kinalaman sa physical education at sports development.

Magiging basehan naman ng admission sa PHSS ang scholarships, try-outs, at iba pang mga pagsusulit na gagawin ng board of trustees ng paaralan.