Close

Paninigarilyo, dahilan ng mabilis na paghina ng tao

Lumabas sa isinagawang pag-aaral sa United Kingdom na ang paninigarilyo ng mga may edad 60 pataas ay dahilan ng mabilis na paghina ng kanilang katawan.

Sa apat na taong pagsususri ni Dr. Gotaro Kojima ng University College London at ng kanyiang mga kasamahan, ang mga tumigil na sa paninigarilyo ay may mas mababang posibilidad ng paghina ng resistensiya.

Sa 2,542 kalahok sa pananaliksik nila Kojima, limampu't anim na porsiyento rito ay "robust" o ang mga nakatatandang hindi talaga naninigarilyo.

1,113 naman ang dating naninigarilyo ngunit tumigil na at 261 naman ang hanggang ngayon ay nagyoyosi pa rin.



Base sa naging resulta ng pag-aaral ng grupo sa mga kalahok, makalipas ang apat na taon ang mga naninigarilyo pa rin ngayon ay may mga sintomas ng paghina gaya ng pagpayat o pagkabawas ng timbang, mabagal na paglakad at madalasang pagkaka-ospital.

Ang mga nagdesisyong tumigil naman sa paninigarilyo, hindi pa rin ligtas sa paghina pero mas mabagal na ang paghina ng katawan nila.