Close

Panibagong taxi-hailing app, uusbong sa Metro Manila

Sponsor ads


Ilang taxi-hailing service ang naka-ambang pumasok sa Metro Manila.

Ito ay bunsod ng matinding pangangailangan ng mga pasahero matapos umalis ang Uber sa bansa.

Unang umarangkada ang ride-hailing app na Micab sa Cebu.

Ayon sa Chief Executive Officer nito na si Eddie Ybanez, tinitiyak nilang walang surge pricing sa bagong app dahil kung ano lamang ang nasa metro ay iyon lamang ang babayaran.

Bukod pa rito ay wala ring booking fee at mas madaling makakapagbook ng mga taxi na malapit sa lokasyon ng pasahero.