Close

Panelo, dumipensasa 'no transport crisis' remarks

Sponsor ads


Nanindigan ngayon si Presidential Spokesperson Salvador Panelo na alam naman nito at ng Gobyerno ang kasalukuyang sitwasyon ng mga mananakay na araw-araw sumusuong sa kalbaryo sa pagpasok.

Ito ang naging paglilinaw ni Panelo matapos itong ulanin ng batikos dahil sa kanyang pahayag na wala naman umanong umiiral na 'mass transport crisis' sa bansa.

Kug maaalala, samu't-saring reaksyon ang nakuha ni Panelo dahil sinabi nitong nakararating pa rin naman ang mga mananakay sa kani-kanilang mga pupuntahan.

Ngayon, dumipensa si Panelo at sinsabing alam niya ang hirap ng mga Piliino sa araw-araw na pagko-commute.

Aniya, bagamat tutol siya sa teorya ng Bagong Alyansang Makabayan, hindi naman ito nangangahulugang tutol siya sa kalbaryo ng commuters.

Dagdag pa nito, lahat naman aniya ay nakararanas ng bigat ng trapiko.

Sinuportahan pa niya ang kanyang punto at sinabing, pinatunayan lamang ng pumalpak na transport strike na wala talagang krisis sa Pilipinas.
#