Close

Panelo, papalit na presidential spox - Go

Sponsor ads


Kinumpirma ni Special Assistant to the President Bong Go na si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang susunod na Presidential Spokesperon.

Ayon kay Go, papalitan ni Panelo si Spokesperson Harry Roque.

Pero sa kabila nito, mananatili ring principal legal counsel ni Duterte si Panelo.

Bago nito, nilinaw ni Roque na hindi pa siya resigned sa pwesto dalawang araw matapos ibunyag ng pangulo na nagbanta umano ang kanyang tagapagsalita na magbibitiw sa pwesto matapos ngang makalusot sa kanyang kaalaman ang pagpacheck up ng punong ehekutibo sa Cardinal Medical Center noong October 3.

Giit ni Roque, kakausapin pa umano niya si Duterte bago ang October 15 sa gitna ng kanyang pagnanais na tumakbo sa Senado.