Close

Pampasaherong eroplano ng Russia na lulan ng 71 tao, nag-crash

Sponsor ads


Bumagsak sa pampasaherong eoplano mula sa Moscow Russia na papunta sana sa lungsod ng Orsk.

Lulan ng Antonov An-148 ng Saratov Airlines ang 71 tao kabilang na ang 65 pasahero at 6 na miyembro ng crew.

Pinangangambahan ng mga awtoridad na patay na ang lahat ng pasahero dahil hindi nila nakikita na may change of surivival pa sa insidente..

May ilang news agencies pa sa Russia ang nakasaksi sa pagbagsak ng nasusunog na eroplano mula sa kalangitan.

Samantala, agad naman nagpaabot ng pakikiramay sa mga naulila si Russian President Vladimir Putin.