Close

Pamimigay ng prangkisa sa mga bagong jeep, nasa kamay ng LTFRB

Sponsor ads


Nasa kamay na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang desisyon kung mamadaliin nito ang pamimigay ng prangkisa at ruta sa modernisasyon ng mga jeep.

Ito ang naging pahayag ng Palasyo nang tanungin kung ano ang naiisip na solusyon ng pamahalaan sa pagpalya ng mga operasyon ng rail systems sa bansa gaya ng Metro Rail Transit at Light Rail Transit.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang higit na nakakaalam sa tunay na sitwasyon ay ang LTFRB.

Dagdag pa ni Panelo, siguro ay mayroong sariling dahilan ang LTFRB kaya naantala ang paglalabas ng prangkisa sa mga bagong jeep.

Samantala nilinaw rin ng Palasyo na batid ni Pangulong Rodrigo Duterte ang problemang kinakaharap ngayon ng LRT dahil regular namang nagsusumite ng briefer ang ibat ibang departamento ng pamahalaan sa punong ehekutibo.