Close

Pamilya Pacquaio, 'landslide' ang pagkapanalo sa brgy polls

Sponsor ads


GENERAL SANTOS CITY - Labis ang pasasalamat ng pamilya Pacquaio sa "landslide victory" sa katatapos na SK at barangay elections nitong Mayo 14.

Sa panayam kay Labangal Brgy. Chairperson Lorelie Pacquaio, labis din ang pasasalamat nito sa Maykapal sa biyaya at tagumpay ng kaniyang pamilya lalo na sa mga supporters at mga botante nito.

Nabatid na nasa 11,009 ang nakuha ni Pacquaio sa nabanggit na barangay kumpara sa kalaban nitong si Kag. Melchor Hepti na nakakuha lamang ng 4,465 votes.

Una nang bumuto sa lugar ang hipag nito na si Mammmy Dionesia ang ina ng senator-champ Manny Pacquaio. jbc