Close

Pambato ng Pilipinas sa Miss Intercontinental, hakot awards!

Sponsor ads


Isa sa mga nag-stand out sa Miss Intercontinental ang pambato ng Pilipinas na si Karen Gallman.

Napanalunan ng 26-anyos na Filipino-Australian ang ilang special awards sa media presentation na ginanap sa Sofitel Philippine Plaza.

Kabilang rito ang Standout Beauty at Media Favorite Awards.

Kahapon ay rumampa si Gallman kasama ang iba pang kandidata para sa national costume.

Sa Miyerkules naman, January 16, ay isasagawa ang Swimsuit at Evening Gown Competition sa Okada Manila Grand Ballroom.

Kaabang abang naman kung sino ang itatanghal na Miss Intercontinental sa coronation night sa January 26 na gaganapin sa Mall of Asia Arena.