Close

Palasyo tiwalang hindi na magkaka-aberya sa SEA Games

Sponsor ads


Tiwala ang Palasyo na hindi na magkakaroon ng aberya sa 30th Southeast Asian Games hanggang matapos ito at makaalis ang mga banyagang delegado at atleta.

Kasunod ito ng kahanga-hangang opening ceremony ng SEA Games sa Philippine Arena.

Ayon kay Presidential Spokeperson Salvador Panelo, nakakatuwang isipin na maraming bansa ang bumilib sa pagbubukas ng palaro na siyang magiging bahagi na ng kasaysayan.

Pinuri rin ng Palasyo si House Speaker Alan Peter Cayetano dahil sa magandang pamumuno nit sa PHISGOC.

Mababatid na lumabas sa ulat ng The Strait Times ng Singapore na dahil sa bonggang opening ceremony ay tila nabura na ang mga negatibong komento tungkol sa paghohost ng Pilipinas sa SEA Games.