Close

Palasyo sang-ayon na magkaroon na ng kantang sasalalim sa buong bansa

Sponsor ads


Sinang-ayunan ng Palasyo ang pahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi akma ang paggamit ng kantang "Manila" ng Hotdog sa opening ceremony ng 30th Southeast Asian Games na ginanap noong Sabado sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang kantang ito ay hindi naman sumasalamin sa buong Pilipinas dahil ito ay isang kabisera lamang.

Wala rin aniya talagang kanta na sumasailalim sa Luzon, Visayas at Mindanao sa ngayon.

Sinabi rin ni Panelo na maaaring ginamit ang kantang "Manila" dahil isa ito sa pinaka-popular na kanta para sa mga Pilipino ngunit tama si Sara na dapat nang magkaroon ng kanta na sasalamin sa buong bansa.

Sa kabila naman nito ay nakita aniya ni Panelo na nagustuhan ng mga nanuod ng opening ceremony ng SEA Games ang kantang "Manila" kung saan pati si Pangulong Rodrigo Duterte ay napapalakpak at napaindak pa.