Close

Palasyo sa mga politicians: Sa Korte magreklamo re: Narcolist

Sponsor ads


Binigyan diin Malacañang na dumeretso sa korte at doon kuwestiyunin ng mga politicians na kasama sa “narcolist” na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kagabi, nang pangalanan ng pangulo ang nasa 46 politicians na kasama sa narcolist ng gobyerno.

Ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo, karapatan ng bawat indibidwal na i-secure at protektahan ang kanilang sariling mula sa maling ginawang ng lipunan, lalo na kung ang public safety ng mga ito ay nanganganib maliban sa mga tao na mayroong constitutional right na ma-inform hinggil sa bagay na may kinalaman sa kanilang kapakanan at kalusugan.

Dagdag ni Panelo, ang drug menace ay maituturing bilang national security problem dahil ito ay sumusira sa basic unit ng lipunan (pamilya).

Kasabay nito, inamin ni Duterte na hindi niya intensyon na manakit ng kahit na sinuman sa pamamagitan ng inilabas na listahan.

Samantala, sinabi naman ng Department of the Interior and Local Government na may mga pangalan pa na kasalukuyang iniimbestigahan at bina-validate.