Close

Palasyo sa draft resolutions ng mga senador: They're free to sign

Sponsor ads


Ginagalang umano ng Palasyo ang naging hakbang ng mga senador kaugnay sa plano ng mga ito na kwestyunin ang naging desisyon ng Korte Suprema sa inihaing quo warranto petition laban kay Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, malaya ang mga ito na lumagda sa isang draft resolution dahil bahagi naman ito ng kanilang kapangyarihan.

Mababatid na 13 mambabatas na mula sa 23 senador ang sumusuporta rito.

Nauna namang sinabi ng Palasyo na duda silang mababaliktad ang hatol ng Korte Suprema kay Sereno lalo na at pinag-isipang mabuti ng mga mahistrado ang naging kanilang desisyon.