Close

Palasyo, sinabihan ang mga dayuhan na galangin ang batas ng Pilipinas

Sponsor ads


Iginiit ng Malacañang na dapat ay respetuhin ng mga dayuhan ang mga batas at ordinansa sa bansa.

Sinabi ito ng Palasyo matapos sabuyan ng Chinese national ng taho ang humarang sa kanya na pulis sa pagpasok sa boni station ng MRT-3.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, hindi kukunsintihin ng gobyerno ang anuman kabastusan sa batas ng bansa.

Ito ay kahit naniniwala si Panelo na labis lamang na pinalaki ang isyu.

Babala ni Panelo, mananagot sa batas ang mga dayuhan na hindi susunod sa batas habang pwede din sila maharap sa deportation.

Tiniyak din ng Palasyo na hindi hahayaan ng gobyerno na bastusin ng kahit sinong dayuhan ang ating mga awtoridad.