Close

Palasyo, kumpiyansang maihahabol ang Cha-cha sa termino ni Duterte

Sponsor ads


Naniniwala ang Malacañang na maihahabol pa rin ang pagpapalit ng konstitusyon sa federal form sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kahit pa may ilang mga senador na ang nagsabing malabo nang ipasa ng Senado ang panukalang charter change.

Bukod kasi sa kapos na sila sa panahon dahil sa budget deliberations, kulang din daw ng suporta mula sa ibang mambabatas ang-Cha cha.

Tugon naman ni Panelo, hindi man maihabol ngayong taon, maaari pa rin naman daw ito isingit sa schedule ng Senado sa 2019.

Mahaba pa raw ang termino ni pangulong Duterte at may panahon pang natitira para ihabol ito. // LEY BAGUIO