Close

Palasyo: Walang mamamatay mula sa Sinovac vaccinees

Sponsor ads


Binigyang diin ng Malacañang na hindi 'low quality' ang China-made Sinovac vaccines, at sinabing hindi mamamatay mula sa Covid-19 ang mga mababakunahan nito.

Ito ang pagtitiyak ni Presidential spokesperson Harry Roque, sa kabila na hindi inerekomenda ng Food and Drug Administration (FDA) ang Sinovac vaccine na ibigay sa mga health workers at senior citizens.

Dagdag ni Roque pasok sa standards ng World Health Organization ang naturang bakuna.

Mababatid na sa kabila na binigyan ito ng FDA ng emergency use authorization (EUA), sinabi ng mga eskperto na ang Sinovac vaccine ay 50.4 percent lang ang efficacy rate at hindi akma na iturok sa mga health workers na laging exposed sa mga Covid-19 patients.

Sinabi naman ng kalihim na ang 600,000 doses ng Sinovac vaccines na donated ng China ay inaasahang darating sa Pilipinas sa susunod na tatlong araw.