Close

Palasyo: 'Worst is over" sa COVID-19 pandemic

Sponsor ads


Naniniwala ang Malacañang na "worst is over" kaugnay sa COVID-19 pandemic sa kabila na patuloy ang pagtaas ng coronavirus infections sa Pilipinas.

Ito ang tugon ni Presidential spokesperson Harry Roque sa bagong Social Weather Station (SWS) survey na nagsasabing 57 percent ng mga Pilipino ay naniniwalang ang "worst-case scenario ng nagpapatuloy na health crisis is yet to come".

Sa gitna nito, naintindihan naman ng Palasyo ang pessimism ng mga kababayan dahil napakahirap umano ang idinulot ng pandemya.

Sinabi rin ni Roque na kaya lang naman talaga nahirapan ay dahil isinara ng gobyerno ang ekonomiya, kaya ngayon umano ang panawagan nila sa lahat, ay mabuhay na nandiyan pa ang COVID dahil hanggang wala pang bakuna o walang gamot ay matatagalan ang nararanasang pandemya.

Ibig sabihin, kasabay ng paghahanap buhay ay dapat pag-ingatan pa rin ang kalusugan sa pamamagitan ng palagiang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng mask at iba pang protocol na inilatag ng gobyerno.