Close

Palasyo, nakidalamhati sa France’s Notre-Dame cathedral fire

Sponsor ads


Inihayag ng Malacañang ang pakikiisa ng bansa sa lungkot ng mga mamamayan ng France kasunod ng malaking sunog na tumupok sa iconic Notre-Dame Cathedral sa Paris.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, labis umanong nalulungkot ang Palasyo at nababahala sa pananalanta ng apoy sa landmark.

Ipinapanalangin rin umano ng Palasyo na agad mabuo ng French nation ang natura great monument sa Paris, at maibalik ang majestic sight nito.

Tinawag naman ni Panelo ang naturang cathedral bilang “architectural treasure” at “symbol of Catholicism” kung saan nanirahan ang ilang historical artifacts.

Ang cathedral ay nasa kalagitnaan ng renovations kung saan naitayo ito noong pang 1163 at ikinokonsidera rin ang Notre-Dame bilang isa sa mga finest examples ng French Gothic cathedral architecture.