Close

Palasyo, nababahala kasunod ng naitalang first Pinoy bomber

Sponsor ads


Nababahala ang Malacañang matapos na makumpirma ng mga otoridad na Pilipino ang isa sa hinihinalang suicide bombers sa isang military camp sa Indanan, Sulu noong June 28.

Sa isang briefing ngayong hapon, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang suicide bombings ay taliwas sa aral at pag-uugali ng mga Pilipino.

Sinabi pa ng kalihim na dahil naitala ngayon ang kauna-unahang Pilipinong suicide bomber, mas tumindi ang problema ng Pilipinas sa terorismo.

Mababatid na una nang nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na magiging mapanganib ang hinaharap kaya't dapat na ipagpatuloy ng gobyerno ang mga hakbangin nito para palakasin ang ginagawa ng pulisya at militar laban sa terorismo.

Samantala, nilinaw naman ni Panelo na depende pa rin sa pangulo kung indicator ang mga serye ng pagpapasabog sa Mindanao para palawigin ang batas militar.