Close

Palasyo, ikinatuwa ang pagbaba ng joblessness rate sa PH

Sponsor ads


Ikinatuwa ng Palasyo ang pagbaba ng joblessness rate sa Pilipinas.

Sa press briefing sa Malakanyang sinabi ni Presidential Spokesman Sec. Harry Roque na aabot sa 4.2% ang ibinaba ng joblessness rate sa bansa.

Base sa pinakabagong SWS survey result para sa 2nd Quarter ng kasalukuyang taon, mula sa dating 23.9 percent joblessness rate, nasa 19.7% na lamang ito ngayon.

Ayon kay Roque, pinatunayan lamang aniya ng naturang resulta na bagaman may problema sa inflation, nanatiling malakas ang ekonomiya ng bansa na pinatotohanan ng Pagbaba ng bilang ng kawalan ng trabaho.

Binigyan-diin din umano ng NEDA ang naturang SWS result ay ang pinakamataas sa loob ng sampung taon.

Iginiit din ni Roque ang naturang resulta ay kapareho sa datus na inilabas ng labor force survey ng Philippine Statistics Authority na buwan ng July ngayong taon nag-improve ang employment rate ng bansa sa 94.6percent.