Close

Palasyo, ikinatuwa ang 6.2 GDP sa Q3 ng 2019 ng PSA

Sponsor ads


Ikinatuwa ng Malakanyang ang patuloy na pagganda ng ekonomiya ngayong 2019.

Ito ay matapos maitala ang 6.2 Gross Domestic Product sa 3rd Quarter ng taon ayon sa Philippines Statistics office.

Batay sa din sa naturang report sa naitalang GDP growth ay nauungusan ng Pilipinas ang India, Indonesia at China sa pagganda ng ekonomiya.

Ayon Presidential Spokesman Sec. Salvador Panelo, lubos silang nagpapasalamat sa mga economic managers ng administrasyon dahil napanatili nito sa mahigit 6 percent ang GDP growth ngayong 2019.

Naniwala si Panelo na back on track na ang Duterte administration sa socio-economic goal nitong mabawasan ang kahirapan ng 14percent sa pagtatapos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa termino.