Close

Palasyo, iginiit na konstitusyonal ang batas militar sa Mindanao

Sponsor ads


Hindi nangangamba ang Palasyo sa mga bagong petition sa Korte Suprema na kumukuwestyon sa 1-taong pinalawig na martial law sa Mindanao.

Ito ay matapos magtungo sa Korte Suprema sina dating Commission on Human Rights chair Etta Rosales at ang mga abogado na sina Teddy Esteban Rigoros at Florin Hilbay upang maghain ng petition na magpapahinto sa implementasyon ng martial law sa Mindanao.

Iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, meron "presumption of constitutionality" ang batas militar sa Mindanao na magtatapos sa Disyembre ng kasalukuyang taon.

Paliwanag ni Roque, nakitaan kasi ng ehekutibo at lehislatura na may ligal na basehan at factual basis ang pagpapalawig ng martial law.

Kaugnay nito ay muling nilinaw ni Roque na walang balak si Pangulong Duterte na palawakin ang sakop ng martial law sa buong bansa dahil sa Mindanao lang naman ang meron legal at factual basis.

Samantala, sinabi naman ni Roque na welcome sakanila ang paghahain ng reklamo ng mga petitioners kontra martial law dahil ito naman ay naayon sa Saligang Batas.