Close

Palasyo, hindi pabor na ipa-drug test si Duterte

Sponsor ads


Nanindigan ang Palasyo na hindi na kailangan na sumailalim sa drug test ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kamakailan ay hinamon ni Senator Antonio Trillanes IV si Duterte na magpa-drug test dahil sa huling biro nito kaugnay sa paggamit ng marijuana para malampasan ang nakakapagod na schedule.

Giit ni Presidential spokesperson at chief legal counsel Salvador Panelo, makikita naman sa kundisyon ng Pangulo na malakas pa ang pangangatawan nito.

Dagdag ni Panelo, alam naman ng lahat ang diperensya ng Pangulo.

Matatandaan na sinabi ni Trillanes na huli na ang lahat para sabihin ng Pangulo na biro lang ang paggamit nito ng marijuana.

Samantala, una nang sinabi ng New York-based Human Rights Watch na ang biro ng Pangulo tungkol sa marijuana ay hindi katawa-tawa kung iisipin ang dami ng mga pinatay sa ilalim ng war on drugs ng gobyerno.