Close

Palasyo, hihintayin ang probe sa misencounter sa Jolo, bago magkomento

Sponsor ads


Hihintayin ng Malacañang ang magiging resulta ng imbestigasyon kaugnay sa shooting incident sa pagitan ng mga pulis at sundalo sa Jolo, Sulu, bago magbigay ng konklusyon kaugay sa naturang usapin.

Dahil dito, ayaw munang magkomento ang Palasyo sa naturang misencounter na ikinasawi ng apat na mga sundalo.

Kaugnay nito, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na posibleng dalawin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo na nasawi sa naturang insidente.

Una nang ipinag-utos ni Interior Secretary Eduardo na dis-armahan ang mga police officers na dawit sa insidente at ipinag-utos na isailalim ang mga ito sa kustudiya ng Sulu provincial police director.

Samantala, nanindigan naman ang Armed Forces, na walang palitan ng putok na nangyari.