Close

Palasyo, ginagalang ang naudlot na arraignment ni ex-PNOY

Sponsor ads


Ginagalang ng Palasyo ang naudlot na arraignment ni dating Pangulong Benigno Noynoy Aquino III.

May kinalaman ang pagbasa ng sakdal sa operasyon ng special action force noong taong 2015 kung saan ay napatay ang kilalang Malaysian bomb maker na si Zhul Khifli Bin Hir alyas Marwan pero naging kapalit naman nito ang buhay ng 44 na SAF commandos.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ikinatuwa nila na sumusunod sa rule of law ang dating pangulo ngunit umaasa sila na agad ito mapo-prosecute sa lalong madaling panahon.

Mababatid na naudlot ang pagbasa sa sakdal ng dating Pangulo dahil naghain ang kanyang kampo ng motion to quash.

Ayon sa legal counsel ni Aquino na si Romeo Fernandez, hindi sapat ang mga ebidensya na iprinisenta sa korte para madiin si Aquino sa kasong graft at usurpation of Authority.

Matatandaan na hindi na nagpakita sa Sandiganbayan 4th Division si Aquino pero dumating naman doon ang kanyang kapwa akusado na si dating PNP chief Alan Purisima na tumanggi na magbigay komento sa naudlot na arraignment.