Close

Palasyo, dumistansya sa isyu ng No-El scenario sa 2019

Sponsor ads


Dumistansiya ngayon ang Malakanyang sa pinapalutang na 'no election scenario' sa 2019 ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ayon kay Presidential Spokesman Sec. Harry Roque wala umanong basbas mula kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag na ito ng lider ng mababang kapulungan.

Iginiit ni Roque na tuloy ang midterm election alinsunod sa kagustuhan ni President Duterte.

Dagdag pa nito na hangat umiiral ang 1987 Constitution ay walang dahilan para hindi magdaos ng halalan sa susunod na taon.

Subalit binigyan diin ni Roque na ang makakahadlang lamang sa pagdaraos ng halalan sa susunod na taon ay kung mapagtitibay na ang Federal Constituion bago pa man sumapit ang 2019 mid term election.